[#11] Book Review: Stainless Longganisa by Bob Ong


Stainless Longganisa


Synopsis

Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Alamat ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pakakamali -- ang magkwento tungkol sa sarili niyang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsusulat,

"Wow! Konti na lang ang typo!"
- J.K. Rowling

"Super puwede na!"
- Dan Brown

Review

Stainless Longganisa... Una ko 'tong binasa nung third year high school ako pero wala pang kalahati inayawan ko na kasi hindi ko maintindihan yung mga sinasabi ng may-akda. Pangalawang beses nung bakasyon bago ako mag first year college, dahil yata wala na talaga akong magawa kaya naisipan kong basahin ulit. At ayon, natapos ko naman at nagustohan ko pa nga. Pangatlo, ngayong bakasyon ulit, nagustuhan,tumawa, naintindihan, sumang-ayon at sumalungat ako sa mga nabasa ko. Nakakatuwa rin na nakita ko sa sarili ko yung pagbabago ng point of view ko sa mundo, mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan, masasabi ko na lumawak na yung pagtingin ko sa mundo at kahit papano may naitutulong ang mga librong katulad nito sa akin.

Ipinakita ng libro ito sa akin yung mga bagay-bagay sa mundo na minsan hindi ko pinapansin kasi wala namang interesado sa mga yon at ano nga ba ang magagawa ko sa nga 'yon? Pero naisip ko rin na meron, hindi man malaking bagay pero siguradong meron dahil parte ako ng lipunan, parte rin ako ng problema at solusyon. Hindi man pagiging manunulat ang tinatahak ko pero natulungan ako nitong makapag-isip at mas maging determinado. Naisip ko lang na kung kaya nga ni Bob Ong, bakit hindi ko kakayain. Nakakatuwa ang mga kwento nya kung pano sya nakarating sa lugar nya ngayong, kung baga nakaka-inspire para sa akin 'yon. Tinubuan ako ng karagdagang determinasyon at lakas ng loob dahil sa mga nabasa ko.

Nakakatuwang hindi lang tuwing akala ko seryosong usapan na pero maya-maya hihirit nanaman ng mga jokes ang may-akda. Walang pressure 'yung libro kaya nakakatuwa. Nagustuhan ko ang aklat na 'to at susubukan 'kong mabasa pa ang iba n'yang non-fictions^^

How much I loved it?
4 Hearts

2 comments: